May Gaisano Mall na sa Antique. Wow, kahit paano, palatandaan ng asenso yan.
Natuwa naman ako ng makita ko ang Gaisano sa San Jose nang dumaan ako doon noong Miyerkoles galing Iloilo. Wala na kasing eroplano na nagse-service ng Antique kaya via Iloilo ako kung umuwi sa aming baryo sa Guisijan,Cartier Handbags, sa bayan ng Lau-an.
Ang Guisijan ay banding gitna ng Antique, na napagitan sa Iloilo at Aklan sa isla ng Panay Mula Manila, 55 na minuto papuntang Iloilo sa eroplano at tatlong oras pa sa bus bago makarating sa aming lugar.
Pwede rin via Caticlan,Chanel Sunglasses, Aklan. Tatlong oras rin ang biyahe sa bus mula Caticlan hanggang amin. Kaya lang mas sanay kasi ako sa Iloilo.
Karamihan sa aking mga kababayan ay sanay sa RoRo. Minsan sumakay din ako sa Roro. Maganda rin yun dahil mula Alabang, doon na ako bumababa malapit sabahay naming. Nakalimutan ko na kung gaano ka haba ang biyahe .Mga 12 oras yata. Mga isang libong piso ang pamasahe.
Nakakuha ako ng promo na tiket sa Philippine Airlines sa pag-uwi ko na ito at umabot lang ng P2.460, round trip na. Halos magkapareho na sila ng RoRo.
May kabutihan din pala ito krisis na pinansyal. Bumaba ang presyo ng pamasahe sa eroplano. At dahil din ito sa kompetisyon.
Ilang lingo pa lang ang Gaisano mall at excited pa ang Antiquenos. Marami sa aking mga ka-provinsya na ang ngayon lang nakakita ng escalator. Mayroon nga daw naghubad ng tsinelas ng sumakay sa escalator dahil sanay siya na kapag umakyat sa hagdanan sa ibang bhay, iniiwanan ang tsinelas o sapatos para hindi madala sa loob ng bahay ang dumi sa labas.
Syiempre, pagdating niya sa itaas hindi na niya alam kung paano makuha angtsinelas na naiwan sa ground floor. Tinulungan siya ng ibang customer na balikan ang kanyang tsinelas.
Ganyan lang talaga kapag bago. Parang kwento rin ng stewardess noong bago pa lamang ang PAL. Meron din isang pasahero na iniwan rin ang sapatos sa ground at umakyat sa eroplano. Pagdating ng Manila at bumaba. Akala niya makikita niya ang kanyang sapatos sa ground. Syiempre wala. Siguro naman sa sumunod na biyahe ng pasahero nayun, hindi na siguro hinubad ang sapatos.
Enjoy ako sa tanawin mula Iloilo hanggang amin. Maraming bayan na madaanan ay sa pagitan ng bundok at dagat. Berdeng-berde pa ang mga bundok. Sana manatili na ganun.
Maraming mga bahay na magaganda. Halos lahat may miembro ng pamilya na nasa abroad. Yun ang pawis at luha kung hindi man Saudi, siguro Dubai,replica hermes, Italy, Singapore, Hongkong o America.
Yun din ang pera na bumubuhay sa mga negosyo katulad ng Gaisano Mall.
Kahit paano asenso na rin. Nakakasakay na sa escalator ang aking ka-probinsya.
Other articles:
